United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ano kaya ang sasabihin kung mamalayan ng madla? Ano ang sasabihin sa kanya? Walang ulo, walang dangal at niluko ng asawa. Oh! pagkasamasama! Wala nang nakapagbibigay lumo sa kanyang katawan kundi ang mga suliraning ito. Diyata at ipagtatapat niya sa harap ng hukuman na gayo't ganito ang nangyari? Kay saklap na sabihin at nakahihiyang totoo! Ang kanyang asawa'y nagsukab! Kay samang pakinggan!
At, kung mabunyag nga naman ang ginawang yaong pagtataksil ni Leonora, ay wala nga namang siyang mapapala kundi malalakas na halakhak, mga pagngisi na wari bang pinasabing: Hoy! niluko, naulol, pinagsukaban ng asawa!
Niluko mo at pinagsukaban ang isang kaisang palad sapagka't siya ay isang matanda na na hindi makapagdulot sa iyong puso ng kaaliwan ng paris ng isang pusong kabataan at kasariwaan, na matapos mong malaman ang lahat ng ito ay naging salawahan ang puso mo at laging pangarap mo ay ang kaligayahan upang makapagtalik at makapagsayaw ang iyong sarili sa gintong liwanag ng kapanahunang hindi mo nalalaman ang pait na bunga.