United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nalalaman na pô ninyóng sumasang-ayon acó sa inyóng m~ga caisipan, ang mulíng sinabi ni don Filipo, na tíla ibig magpakitang galit at tíla n~gumin~giti. Cayó'y aking ipinagsasanggalang, datapuwa't ¿anó ang aking magagagawâ sa gobernadorcillo at sa cura? Magbitiw n~g tungcól ang sinundán n~g filósofo, at saca lumayò. Natigagal si Don Filipo, at sinundán n~g matá ang matandâ.
N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot n~g teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang lahat halos.