United States or Bolivia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun naquíquipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang lanyós ó lambing houag cacamotcamot ó hihilurin caya ang camáy ó babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan.
Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi. Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~gá. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya.
May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.
Salita Ng Araw