United States or Heard Island and McDonald Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa pamamahay; sapagca,t, ang carumihan at caguluhán ay nagbabantóg sa nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at magasó. At nang pagcaratihan mo, Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay linisin cun narumihán.
May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.