United States or Lebanon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Matagal na inisip kung ilan sulat ang naipadala kay Enchay nang sila'y nag-iibigan; datapwa't hindi maapuhap sa alaala na ang una'y sinundan pa ng dalawa. Maging isa man o tatlo na nga, ay nahuli na siya ni Edeng at dahil dito'y nalungkot ng gayon na lamang.
Ako'y bumalik sa amin at itinanong ko sa aking tatay kung saan kayo nakatira. Aywan ko aniya nagsi-alis ng hindi man lamang nakapagpaalam sa atin, sapagka't ang ama daw ni Edeng; ay dinapuan ng sakit, na pinakikialaman ng mga sanitario. Ako'y nalungkot, hindi lamang nalungkot, nagtiis pa ako ng hirap sapagka't hindi ko maalaman kung saan kayo naparoon. Hindi ko maalaman kung saan kita susulatan.
Salita Ng Araw