United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y bumalik sa amin at itinanong ko sa aking tatay kung saan kayo nakatira. Aywan ko aniya nagsi-alis ng hindi man lamang nakapagpaalam sa atin, sapagka't ang ama daw ni Edeng; ay dinapuan ng sakit, na pinakikialaman ng mga sanitario. Ako'y nalungkot, hindi lamang nalungkot, nagtiis pa ako ng hirap sapagka't hindi ko maalaman kung saan kayo naparoon. Hindi ko maalaman kung saan kita susulatan.
Lalong mabuti n~ga ang tugon ni Gervasio kita'y hihintayin. Oó, darating akong walang sala. At noon din si Pablo ay nagpaalam. Nariyan ang dahil, kung kaya't si Gervasio, sa poók na pinagtitipunan n~g m~ga nagsiaklás ay di man lamang nakita. Sa haráp n~g kanyang susulatán, si Mauro ay payapang nakaupo kinagabihan din n~g araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang magkakasama.