United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !
At buhat noon ang puso ko'y naging laruan ng hirap. Natulad sa isang putol ng kahoy sa gitna ng dagat na sunodsunuran saan man dalhin ng alon. At sa mga bayo ng sakit ay hindi ko naikubli ang akin pagtitiis. Nahalata ng aking mga kaklase sa Ateneo at sa isa sa kanila na nagngangalang Pedro Batobalani ay naipagtapat ko ang aking dinaramdam.
Bago tayo lumakad ay ibig ko munang man~gako ka: ¿hindi mo na kaya ako lilisaning walang paalam na gaya n~g iyong ginawa noong tayo'y nakaautong magtun~go sa Luneta? Hindi naikubli ni Tirso ang isang n~giting may lihim na kahulugan, bago nakapakli.