United States or Kosovo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung minsan nama'y siya nilang tinatalunton ang daang pahabay sa dagat na patugpang Pasay, at doo'y malinit silang nagtitila m~ga ibong namamayagpag n~g boong lugod at panabay na umaawit n~g isang pagiirugang walang pagkupas.... Sa "Jardin Botánico" ay madalas din namang sila ay nagpapalipas n~g mahahabang sandaling puspos n~g tamis at kaluwalhatian.
Ang m~ga halama'y nan~gananariwa sa patak n~g ulang hindi nagtitila, ang aking pagkasing ibig mamayapa kung ganyang tagula'y nagbabagong diwa. Walang kailan~gang sa aki'y magtago ang mukha n~g araw na di ko makuro, sa aki'y sukat na ang iya'y maglaho upang pasayahin ang kimkim kong puso.
Salita Ng Araw