United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ito'y mapaniniwalaan dahil sa pagkakaparis n~g pamumuhay n~g m~ga ito sa pamumuhay n~g m~ga iyon: maliban marahil ang iba nitó, na gaya n~g Tingian at iba na sa akala ko'y kauri rin n~g m~ga lahi ritong kristiano n~gayon na nagsipangubat lamang dahil sa pag-ibig marahil na manatili sa kanilang kalayaan at sa ganito'y náurong sa pagsulong sa katalinuan.
Ang lahing ito ay nababahagi n~gayon n~g tatlong malaking bahagi: Una'y ang m~ga taong nagsipangubat na dî napasaklaw sa kapangyarihan n~g m~ga taga ibang lupain, ikalawa'y ang m~ga moro ó kumikilala kay Mahoma at ikatlo'y ang m~ga nagsipagkristiano. Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, n~gayon n~g lipilipi at angkan-angkan.