United States or North Macedonia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang lahing ito ay nababahagi n~gayon n~g tatlong malaking bahagi: Una'y ang m~ga taong nagsipangubat na napasaklaw sa kapangyarihan n~g m~ga taga ibang lupain, ikalawa'y ang m~ga moro ó kumikilala kay Mahoma at ikatlo'y ang m~ga nagsipagkristiano. Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, n~gayon n~g lipilipi at angkan-angkan.

Anáng Profesor Blumentrit, sukat dito sa kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang m~ga ito n~g tatlong pu't anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa m~ga itim, at anáng m~ga mananalaysay na Jesuita ay dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay may binangit pa ang m~ga Jesuita na ibinibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin n~g Profesor Blumentrit tungkol sa binangit n~g m~ga Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang m~ga binangit n~g m~ga Jesuita na naibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang pagkatala ay hihigit pa n~ga sa tatlong pu't anim na bilang niya.

Dahil sa pagkakapangkat-pangkat na ito at pagkakaroon n~g iba't ibang pan~galan ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga mananasaysay, na anáng iba'y supling sa iba't ibang lahi n~g m~ga itim at anáng iba'y iisang lahi na napapangkat lamang n~g angkan-angkan na sa akala ko'y itong hulé ang mapaniniwalaan.

Ang ikalawang bahagi na sa m~ga moro, ay gaya rin n~g sa m~ga taong gubat na napapangkat n~g lipilipi at angkan-angkan, na ang iba'y sa Dabaw, ang iba,y sa Samboanga, ang iba'y sa Kottabato at ang iba'y sa iba't ibang dako n~g Hulo't Mindanaw na pawang may kanikanyang n~galan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap