United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung nagkakaalit, ang mag-asawa ay naghihiwalay, at ang humahatol sa m~ga ganitong sigalot ay ang m~ga kamag-anakan nila't ang m~ga matatanda at ito, ani Rizal, ay lalong mabuti kay sa kautusan n~g m~ga inglés at n~g m~ga frances tungkol sa paghihiwalay n~g mag-asawa, sapagka't sa m~ga ganitong sigalot n~g m~ga kabahay ay makapupong mabuting humatol ang m~ga kamag-anaka't matatanda kay sa sino mang pantas at hukom, magpakadunong dunong man.
Sa m~ga ganitong sigalot ay matatanda ang humahatol na kasama n~g m~ga kamag-anakan n~g magasawang naghihiwalay. Kung ang mag-asawa ay naghihiwalay ay hinahati ang kanilang kinita sa kanilang pagsasama, n~guni't ang dating pag-aari bago nagsama ay hindi hinahati, kungdi dinadala n~g isa't isa ang kanyang dati.
Kung ang mag-asawang naghihiwalay ay may anak ay napapa sa anák ang bigay-kaya at ang nag-iin~gat nito ay ang m~ga nuno kung buhay pa ó kung dili ay isang taong mapagkakatiwalaan. N~guni't ani P. Aduarte ayon sa salaysay ni Rizal ay hindi na naghihiwalay ang magasawa kung may anak dahil sa paglingap sa anák. =Iba't ibang kapaslan~gan.=