United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung nagkakaalit, ang mag-asawa ay naghihiwalay, at ang humahatol sa m~ga ganitong sigalot ay ang m~ga kamag-anakan nila't ang m~ga matatanda at ito, ani Rizal, ay lalong mabuti kay sa kautusan n~g m~ga inglés at n~g m~ga frances tungkol sa paghihiwalay n~g mag-asawa, sapagka't sa m~ga ganitong sigalot n~g m~ga kabahay ay makapupong mabuting humatol ang m~ga kamag-anaka't matatanda kay sa sino mang pantas at hukom, magpakadunong dunong man.
Inaalipin din ang lumabag sa isang pan~gulo ó maginoo na gaya halimbawa n~g magdaan sa silong ó bukiran nila, ó makasira n~g ano mang pag-aari nila, ó makatapon kaya n~g ano mang dumi kung nagdaraan sila ó magkasala n~g ano man sa m~ga kabahay n~g pan~gulo, at iba pa. Ang m~ga anak n~g talagang alipin na ay alipin din.
Anya'y ang pasiyam sampu n~g katapusan ay isang pakikipagsiyam n~g m~ga kaibiga't kamag-anak sa kabahay n~g namatay, at ang m~ga ito, palibhasa't nan~ga sa bahay ay hinahandaan n~g kahit ano na siyang ugali; n~gunit hindi piging ó paganyaya, sapagka't ang m~ga Tagarito ay hindi nagaanyaya n~g chaá lamang sa anomang pigin~gan.