United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !


At yamang iniadya mo ang caibigibigan mong Doctor sa maraming pan~ganib, nang maguing calasag nang sangcacristianohan, aco,i, nagaamo-amo sa iyo, na ipagadya mo naman aco sa casalanan at sa tanang caauay co, naquiquita ma,t, di man naquiquita.

Siya naua. Dios at Pan~ginoon cong macapangyayari sa lahat, na sa carunun~gan mong ualang hangan ay pinapaguing liuanag mo ang cariliman, noong baliquin mo ang ualang casinglalim na bait at loob nang aquing Amang si san Agustín, at pinapaguing ilao mo nang pananampalataya, at arao na maliuanag nang santa Iglesia, na magsasaysay at magpaunaua sa boong sangmundo nang man~ga Misterio mong mataas, at parang diamante cun mutyang mahal, ay liniloc mo,t, pinalambot nang man~ga luha nang Ina cong si santa Mónica, at pinili,t, hinirang na magcalat at magpahayag nang iyong casanto-santosang n~galan, ay aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Dios co, na pacundan~gan sa caniyang man~ga carapatan, ay aco,i, pagcalooban mo nang liuanag na icatuto cong malis at lumayo sa casalanan, at icagagaling nang dila cong gagauin; at pacundan~gan naman sa pagal niya,t, pagod sa pagsasangalang sa pananampalataya, ay pagcatibayin mo ang aquing loob, sampon nang man~ga loob nang lahat na man~ga capoua co tauo sa totoong pananampalataya.

Diyata, Dios at Pan~ginoong co, aco,i, nagaamo-amo sa iyo,t, dumaraing na iyong casihan, sidla,t, hulugan ang aquing caloloua nang totoong capacumbabaan, at nang maiubos cong icompisal ang lahat na man~ga casalana,t, camalian co, at nang paualang halaga,t, hamaquin ang dilang capurihan dito sa buhay na ito, at houag acong may ibang pagnasa,t, pitahin, cundi ang hamaqui,t, ayopin dahilan sa pagcaibig sa iyo.

Salita Ng Araw

maglalasing

Ang iba ay Naghahanap