United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa carrosa ay lumulan itong princesang timtiman, ang catulad at cabagay yaong luminariong Buan. At ang nangag-sisihila cabayong labing-dalauá, magcaparis ang hichura naca-aalio sa matá. Anim ang cocherong hirang sa cabayo'i, sumasacáy, at saca anim din naman ang librea sa licorán. Magcaparis ang vestido nang librea at cochero, pumasoc nanga sa reino ang emperatriz na bago.
Hagdanan ay pilac na nag quiquinan~gan sahig at quisame ay salaming lantay, ang dingding ay pauang esmaltadong tunay na naca-aalio sa may dalang lumbay. Sa loob n~g bahay nan~ga papamute mutyá at carbungco rubí,t, esmiralde, ang sahig n~g salas sampon n~g quísame templo ni Salomón dinaig sa buti.
Salita Ng Araw