United States or Jordan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa loob nang bahay lagyán nang pamuti sari-saring mutyá rubí,t, esmiralde, cortina ay pauang batbat nang brillante sa matáng titin~gin ay macacauili. Ang bubong nang bahay ay pilac na lantay cosina,i, gayon din houag cang magculang, cun tamaang sinag nang init nang arao ay macadudulit sa matáng tatanao.
Hagdanan ay pilac na nag quiquinan~gan sahig at quisame ay salaming lantay, ang dingding ay pauang esmaltadong tunay na naca-aalio sa may dalang lumbay. Sa loob n~g bahay nan~ga papamute mutyá at carbungco rubí,t, esmiralde, ang sahig n~g salas sampon n~g quísame templo ni Salomón dinaig sa buti.