United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Liuanag nang ilao ang camuc-ha,i, arao hagdanan ay pilac na nag niningnin~gan, tatlong mag-iiná,i, nagcacamamanghan sa naquitang diquit na ualang cabagay. Nagsipanhic sila ay nang macasaltá nagtatacáng lubós yaong mag-iiná, sahig at quisame ay salming lahat na anong bahay ito,t, sa dilág ay sadyá.
Sahig at quisame ay salaming lahat at ébano naman ang cahoy na sangcap, hagdanan ay puro na lantay na pilac na macatutoua sa matáng mamalas. Ang dingding ay pauang esmaltadong tunay n~g m~ga brillanteng sa ningning ay sacdal, ang salas ay pilac at perlas na lantay templo ni Salomón halos pang laluan.
Hagdanan ay pilac na nag quiquinan~gan sahig at quisame ay salaming lantay, ang dingding ay pauang esmaltadong tunay na naca-aalio sa may dalang lumbay. Sa loob n~g bahay nan~ga papamute mutyá at carbungco rubí,t, esmiralde, ang sahig n~g salas sampon n~g quísame templo ni Salomón dinaig sa buti.