United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !


At ang mestisa't ang makata, makailang saglit pa, ay kasalamuha na sa di magkamayaw na taong naglisawlisaw mula sa Plaza Moraga hanggang sa pasalapang na dulo n~g Escolta. Sa m~ga pook na sinabi, gaya n~g ginagawa sa taon-taon, nang gabing iyo'y lumundo ang di mabilang na taong kung saansaang dako nagbuhat, m~ga taong paraparang kinababadhaan sa mukha n~g kagalakang hindi masayod.

At kung hindi lamang totohanan nang wala silang daan upang masilip man lamang ang sayawang ginagawa sa binilogbilog n~g liwasang Moraga, disi'y nalimutan na nila ang pagsasadya sa Pandakan, matapos na magpalipas n~g m~ga lima o sampung tugtugin sa sayawan sa balitang klub sa Avenida Rizal.

¿Di ba tayo pasasa Pandakan? ang mayamaya'y naitanong ni Tirso, nang mamasdan niyang si Elsa'y parang naghihintay sa kanya n~g anomang sasabihin. Oo n~ga, isinagot n~g mestisa, n~guni't mamayang maghahatinggabi, pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa Escolta at makapanood sandali n~g sayawan sa Plaza Moraga. Kung gayon, ay tayo na.

Pagkakai'y magpapasyal pa tayo sa Escolta, at manonood sandali ng sayawan sa Plaza Moraga, bago pagkatapos ay dadalo tayo sa Pandakan sa isang di karaniwang piging na ipinagaanyaya ng isang tagaroong matalik na kaibigan ng aking kapatid. Kapag hindi ka dumating, ay ituring mong nabigo na naman ang isa sa mga ninanasa nitong "kapatid" mong walang itinatangi sa ubod ng kanyang puso kundi isa....

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap