United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Siya ay binigyan nang tatlong manzanas na sa isang san~ga nabibiting lahat, saca tatlo naman nang sariuang rosas na cahan~ga-han~ga sa matáng mamalas. Tuloy na sinabi naman sa caniya yaon n~ga ang bilin niyang ipadala, sa minartir na si Santa Dorotea at biglang nauala naman capagdaca.
Pinagcalooban din siya nang Dios nang bisa nang gracia na icatatalos, na Dios n~gang tunay si Cristong sumacop sa salang minana nitong Sansinucob. Ipinagsigauan na n~ga ni Teopilo na siya,i, totoong tunay na cristiano, humarap sa Hucom at sinabi dito hangang sa minartir siyang naguing Santo.