United States or Syria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagtacá si Teopilong hindi hamac yayamang caniyang napagtalastas na sa man~ga araw na yao,i, di dapat na mamun~ga yaong halamang manzanas. At ang man~ga rosa,i, di capanahunang magsipamulac-lac ayon sa dahilan, na noo,i, panahong laking calamigan caya lubos siyang nagulumihanan.
Siya ay binigyan nang tatlong manzanas na sa isang san~ga nabibiting lahat, saca tatlo naman nang sariuang rosas na cahan~ga-han~ga sa matáng mamalas. Tuloy na sinabi naman sa caniya yaon n~ga ang bilin niyang ipadala, sa minartir na si Santa Dorotea at biglang nauala naman capagdaca.