United States or Chile ? Vote for the TOP Country of the Week !


Malayolayo pa rin po, itinugon n~g matandang nakapatag n~g upo sa isang dulo n~g sasakyan at walang tahan n~g kasasagwan. At si Tirso ay may sinasabi na naman sa lalo pang paanas na salita: ¿Ikinaiinip mo na ba, Elsa, itong pamamangka natin? At ang mestisa'y pumakli: Baka ako'y pinakahihintay na n~g aking kapatid....

Ang mestisa'y may pagirog na kaparis ng balana, at anak din ni Bathalang tumanggap ng isang mana; mana'y dapat na gamitin ng ayon sa pinipita ng likas na pagkatao at sariling kaluluwa. Sa harap ng Batas ng Pagkakalikha. babae't lalaki ay pantaypantay nga; kung gayon, mestisa, di dapat lumuha sa piling ng ibang kapwa mo diwata.

Tila nagiiba na n~gayon si Elsa, ang naibulong niya sa kanyang sarili, nang ang mestisa'y ayaw n~gang magbitiw n~g anomang pan~gako sa m~ga lalaking namumuhunan n~g masuyong pakiusap.

Hindi ko makita ang bagay kung bakit ipagdaramdam mo n~g ganyan ang gayo't ganitong "kababalaghan" ni pari Casio at ni Teang, ay sa n~gan~gayon pa lamang halos ay sinasabi mong si Elsa ang hinihintay mong susulat sa iyo. ¿Hindi ba totoong si Teang ay inibig mo sa isang saglit lamang, samantalang ang magandang mestisa'y siyang talang nagniningning na lagi sa diwa mo at alaala?

Mayamaya'y siyang lalapitan ang bukas na pianong parang nagyayaya, at sandaling titipa ang maliliksing daliring tila m~ga kandila, samantalang ang m~ga mata'y ipapakong walang kurap halos sa papel n~g tugtuging lahad ang m~ga dahon. Kung ang mga ibon at maging halaman ay nagkakalaya sa pagiibigan, ang isang mestisa'y dapat ding magnawnaw ng mga biyaya ng Katalagahan.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap