United States or Mauritius ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa dalawang "maaarìng" itó, alín kayâ ang túnay na nangyári? Mag-gáwad ng pasiyá ang bumabása. Iniaátas ng kahusáyan na usigin kaagád ng hukuman ang madugông sigalot, upang sa gayo'y mapatunáyan kun sino ang may sála sa boông kasiyaháng-loób ng lahát, at sa ibáyo ng lahat ng mga pag-aálinlángan.
Upang mapatunáyan ang lahat ng ito, si Gerardo ay nagharáp sa papúlong na iyón ng maráming saksí. Natatangì sa mga itó ang isang babáeng may ápat na púng taón na maráhil. Dukhâng-dukhâ ang kanyang pananamit na bukód sa nanglilimahid na, ay punít punít pa. Sa haráp ng mga táong doo'y natitípon, ay isinalaysay ng babáeng ito ang napakalungkót niyáng kabuháyan.
Datapwa, bago gawin ito ay sinusuri munang mabuti ang ugali, pagkukuro, kalagayan at kabuhayan n~g isasapi at baka di kabagáng n~g m~ga taong "Katipunan." Kung mapatunayan na siya'y may tapat na loob ay saka pa lamang gagawin ang pagtanggap.