United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mapaniniwalaang ang pananampalataya n~g m~ga unang namayan doon na gaya n~g m~ga Manobo, Tiruray, atb. ay ang sa Kamalayahan na halos kagaya n~g dating pananampalataya n~g m~ga taga Bisaya't tagarito sa Luzón: at sa catunayan n~g dumating dito ang m~ga taga España ay may, nasumpun~gan pang isang daco sa Mindanaw na pinan~gan~ganlang De Flechas ó n~g m~ga Pana na balang magdaan doon ay naghagagis n~g pana na pinatutusoc sa bato at siyang iniaalay nilang pinakahayin upan sila'y macaraang tiwasay, bagay itong dili iba't isa sa m~ga bahagi n~g capanaligan n~g m~ga taga Bisaya't tagarito sa Luzón, na alayan n~g cahi't ano ang m~ga pooc na kinalibin~gan n~g canilang m~ga nunò.
Tungkol sa kapanampalatayahán n~g hulíng bahagi n~g Pilipinas, na Hulo't Magindanaw, ay dapat malaman muna na ang m~ga tagaroon ay hindi namayang sabay-sabáy, kundi ang iba, na gaya n~g m~ga Manobo, Tiruray atb, ay siyang nan~gauna; at ang iba naman ay masasapantahang m~ga kasabay ó kasunod n~g m~ga taga Malayang nagsipamayan sa Borneo noong dacong 1400.
Salita Ng Araw