United States or Austria ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Kataka-taká ang kapal ng táo na natípon sa sigalot na itó! Boông báyan halos! Karamíhan sa kanilá ay mga lálaki mga laláking may mga bísig at pag-iisip!... Gayón ma'y lahát ay walâng ginawâ kundî ang tumangá, manóod! manginíg!! mamutlâ!!! matákot!!!! Untî-untîng naáyos ang guló. Ang nabagabag na libíng ay naipatúloy din.
Si Elíng ay poót na poót sa mga asal na iyáng lubhâ nga namáng nakaririmárim. Minsan siyáng manginíg sa gálit at minsáng mápaiyak sa habág sa mga kadalága niyang halíng na halíng sa ganganyáng gawâ, na kadalasán at sa tuwírang sabi, ay lumalabás na isáng malinaw na pagtitindá ng dangál at púri! Magsábi, kung hindî, iyáng mga kinasasadlakán ngayón ng pul
Salita Ng Araw