United States or Bosnia and Herzegovina ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Kataka-taká ang kapal ng táo na natípon sa sigalot na itó! Boông báyan halos! Karamíhan sa kanilá ay mga lálaki mga laláking may mga bísig at pag-iisip!... Gayón ma'y lahát ay walâng ginawâ kundî ang tumangá, manóod! manginíg!! mamutlâ!!! matákot!!!! Untî-untîng naáyos ang guló. Ang nabagabag na libíng ay naipatúloy din.