United States or South Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tingnán ninyo: ako'y inyong pinipílit na isaulì ko ang rebolber na itó sa amerikanong iyán. Wika ko po sa inyo'y waláng kailangang ako'y inyóng pilítin, walang kailángang ako'y inyó pang baláan at lálong waláng kailangang kayo'y magpadiníg ng mga ganganyáng pangungúsap at magpakíta ng mga ganganyáng kílos na mulâ ng likhâin ang hukúman ay di nakikíta sa alin mang hukóm na may iwing dangál.
Si Elíng ay poót na poót sa mga asal na iyáng lubhâ nga namáng nakaririmárim. Minsan siyáng manginíg sa gálit at minsáng mápaiyak sa habág sa mga kadalága niyang halíng na halíng sa ganganyáng gawâ, na kadalasán at sa tuwírang sabi, ay lumalabás na isáng malinaw na pagtitindá ng dangál at púri! Magsábi, kung hindî, iyáng mga kinasasadlakán ngayón ng pul