United States or Togo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang kanyáng báhay, at báwa't sangá, báwa't dáhon, báwa't bunga ng kanyáng mga haláman, wári baga'y ipinagsisigáwan sa kanyá ang mga salitáng "MAGHIGANTI KA, O KUN HINDI, IKAW AY DUWAG!".... Itó ang ngalan ng dalágang anák ni Julio. Magíng sa gandá, at magíng sa katalinuhan man, si Elíng ay hindî maitatánging lubós sa mga bulaklák ng kanyáng bayán.

Si Elíng ay may ináantabayánan; hinihintáy niya ang pagdáan sa kanyáng tapát noong mainit sa sínag ng Bagong Araw na kabatang-bat

"Súlong na, maaabála ka lang sa akin," ang patúloy ng binibinì na may kahálong wari'y hinampó. "Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!" Isang ngitî, isang ngiting malambíng na 'kapilas ng langit' ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinangambahán niyang nagtampó ngang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang. "Anó iyon?

"Bayáang anó? hindi ba't tuwî kang magtatalumpatì ay ipinangangaral mo na ang lahát ng táo ay dápat tumupád sa kanikaniláng katungkúlan? Hindî ba't ito'y katungkúlan ko? Ako ba'y hindî táo sa iyo? Hindî ba...." "Súkat na, Elíng, súkat na; dapwa't iyang mga sutlâ mong dalirì ay di dapat marumhán ng...." "Diyat

"Si Elíng namán! Bákit mo kayâ pinamamáhay ang kalulwá ko sa pangangambá?... Sagutín mo sana akó. Sa akin ba tumutúkoy?" "Hindî...." ang wari'y walâ sa loob na sagót ng binibinì. "Oh, Elíng ko! At ang ibig mong sabíhin ay di ka na makalilíngap kanino pa man, líban sa ákin?" Isáng busilak na langit ang nabuksán kay Gerardo.

Oh, si Elíng! Sa kanyáng hárap si Gerardo ay nagíging makát

Ang binata'y sandalîng napípi. Kinintalán ng isang títig ang bitúing kauláyaw bago tumugón: "Elíng, di ko mawatásan ang iyóng salitâ. Ibig mo bagáng sabihin na ako'y walâ nang pag-asa?" "Iyon ba ang kahulugan?" "Aywán ko." "Aywán ko dáw!" "Abá!" "Wik

Silang dalawá ay malaon nang magkaibígan. Hábang lumaláon ang kanilang pagkikilála, ay lalo at lálong nasasabík si Gerardo sa pagmalas sa dilág ni Elíng, sa pagdiníg sa mga mahihiwag

Hindî nainíp si Elíng sa pagaantáy kay Gerardo, na sínapantah

Pagdaka'y hinawakan ang kamay ni Elena at inalapit sa lumulundag niyang pusò. "Abá! hindî!... aywán ko! hindî!... abá!" ang sunod-sunod na pagbabangong-puri ng dalagang nagpúpumiglás. "Ah, Elíng! Huwág mo nang ikaít sa akin ang tibók niyáng iyong pusò. Ipagtapát mo na! Hindî mo ba ako iniíbig, Elíng?"