United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya houag cang managhili, Basio, sa maling caugalian nang capoua nating tagalog, na ang sagot nila baga, cung sila,i, sisihing tungcol sa manga ugaling ito, ay: may bait din, anila, ang canilang manga anac; at cung itong canilang anac ay nalulubog na sa guitna nang putican, ay ang quinacatouiran nang magulang ay gayon: siyang talaga nang Panginoong Dios, bago bago,i, casalanan nilang sarili, dahilan sa canilang capabayaan, at dahilan sa capahintulutan nila sa canilang manga anac na lumagay sa panganib na icalulubog nila.
N~guni't ang babae ay di papayag sa ganyan, kung hindi niya ibig ang lalaki. Iyan ang tama: walang pagsalang ang lalaki ay siyang hantun~gan n~g kanyang boong pagibig, kaya ganyan ang kanilang laya. ¡Mapalad na lalaki! ¡Mapagsamantala ang sabihin mo! Sa ano't anoman, ay nananaghili ako sa kapalaran niya. Maaari n~gang managhili ka, sapagka't ... hindi si Teang ang kasama mo n~gayon.