United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't higuit sa aking cáya ang pagmamatuwirang itó, ang canyáng idinugtóng at binago ang anyô n~g pananalita, at nililibang co po sayó n~gayong cayó'y hiníhintay; Huwag pô ninyóng calimutan ang casasabi co pa sa inyô: may m~ga caaway cayô; magpacabuhay pô cayô sa icágagaling n~g inyóng tinubuang bayan. At nagpaalam. ¿Cailán co pô cayó makikita uli? ang tanóng ni Ibarra.
Hindi mangyayaring mapahinto ang caniláng gagawin, ang ipinagpatuloy. ni Elías, wala n~g magagawa n~g acó'y dumatíng, hindi co kilalá ang canilang m~ga pinuno ... ¡lumigtás po cayó, guinoo, magpacabuhay cayó, sa icagagaling n~g inyóng bayan! ¿Saán acó tatacas? ¡Hiníhintay aco n~gayóng gabi! ang bigláng sinabi ni Ibarra na si María Clara ang iniisip.