United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang hindi nalipat dito n~g pamamayan ay hindi macahahauac n~g catungculang may taglay na capangyarihan sa bayan ó macapagpaparusa caya sa tauong bayan. Ang sino mang taga Pilipinas ay may catungculang manandata at magtangol sa bayan cun siya'y cailan~ganin ayon sa cautusan, at umambag naman n~g nauucol sa caniyang pagaari sa man~ga cailan~gan n~g bayan.

Ang m~ga babaying taga Pilipinas ay di macahahauac n~g ano mang catungculang may capangyarihang maca pag parusa sa tauong bayan; n~guni't macahahauac n~g m~ga di nag tataglay n~g capangyarihang ito, cun nacacapit sa canilang catayuan at cailan ma't sila'y di namumuhay n~g halaghag at mag taglay n~g m~ga casangcapang hinihin~gi nang cautusan.

Ang catungculan n~g Tagatayó ay di malalangcapan n~g iba pang catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang maytan~gang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob n~g cabayanang pinag gauan n~g paghahalal. Ang m~ga Tagatayo'y hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna at macaraan ang caniyang capanahunan.

Ang m~ga babayi ay macapag-aaral n~g ano mang san~ga n~g carunun~gan maguing sa isip maguing sa quimotin ó talas n~g camay sa m~ga sanayang palagay n~g bayan at macahahauac n~g ano mang catungculang na uucol sa m~ga catibayang canilang macuha.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap