United States or Mexico ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang República n~g Pilipinas ay ang Katipunan n~g m~ga namamayan dito, na natatayó sa lupaing nasasaclao n~g m~ga Puló n~g Luzong, n~g m~ga Bisaya at Mindanao, n~g capuluan n~g Joló at n~g iba pang m~ga pulopuloang nacacapit sa m~ga sinabing itó at nasasa loob n~g calauacang tinatauag n~g una pa na capuluan n~g Pilipinas.
Ang m~ga babaying taga Pilipinas ay di macahahauac n~g ano mang catungculang may capangyarihang maca pag parusa sa tauong bayan; n~guni't macahahauac n~g m~ga di nag tataglay n~g capangyarihang ito, cun nacacapit sa canilang catayuan at cailan ma't sila'y di namumuhay n~g halaghag at mag taglay n~g m~ga casangcapang hinihin~gi nang cautusan.
Ang m~ga cahalili, Hocom at iba pang may katungculang nacacapit sa san~gang itó ay mananagot na isa-isá sa man~ga gauang pagcuculang sa cautusan, at sino mang mamamayan ay macapaghahablá tungcol sa pagpapasuhol at masamang pag gamit n~g katungculan.