United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pakikipagtalo ay iyong ilagan; n~guni at sakaling mahirap iwasan, ay salaysayin mo ang iyong katwiran n~g sabing malambot at katotohanan. Kung paupuin ka ay iyong piliin ang huling upuan: n~gunit kung sakaling ang lusok na dako sa iyo'y ihain, ay huag kang magtuloy kung di ka pilitin.
Binalankas lamang, kung baga sa bahay, ang iyong ugali n~g iyong magulang; n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan. Dahil sa kanila ay maihaharap ang iyong ugali sa sino mang pantas, sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat, sa lusok na asal nama'y hindi hubad.
Kung isang babayi ang siyang dadatal lahat n~g dadatna'y dapat magtindigan; sagutin ang bating kaniyang binitiwan, lusok na upuan sa kanya'y ialay. N~gunit kung lalaki ang siyang darating, ay lalaki lamang ang tatayong tambing; ang m~ga babayi'y nan~gaka-upu ring sasagot sa bati ng wikang magiliw.
Salita Ng Araw