United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Binalankas lamang, kung baga sa bahay, ang iyong ugali n~g iyong magulang; n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan. Dahil sa kanila ay maihaharap ang iyong ugali sa sino mang pantas, sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat, sa lusok na asal nama'y hindi hubad.
Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay, linisin ang sahig sampong kasankapan; sa kani-kaniyang dako ay ilagay ang lalong maliit na ari-arian. Bahay na maayos ay parang salamin n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin; bahay na magulo'y nagpasabing tambing n~g ugaling salat sa turong magaling.
Kung may kaibigan ka sa m~ga dadatnan, ang iyong kasama'y iharap din naman; datapua't huag mong gagawin kailan man, ang di mo kilala'y agad kakamayan. Lalo at marami ay lubha n~gang pan~git na sa bawa't isa ikaw ay lumapit; yukuan mo lamang sila n~g marikit saka mo batiin n~g boong pag-ibig. Ang kasankapan mo'y sakaling batiin, ialay mo agad n~g wikang magiliw.
Salita Ng Araw