United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung isang babayi ang siyang dadatal lahat n~g dadatna'y dapat magtindigan; sagutin ang bating kaniyang binitiwan, lusok na upuan sa kanya'y ialay. N~gunit kung lalaki ang siyang darating, ay lalaki lamang ang tatayong tambing; ang m~ga babayi'y nan~gaka-upu ring sasagot sa bati ng wikang magiliw.
At kung alayan ka n~g iyong kasalo n~g alak ó kaya maging kahit anó, sa di mu man kanin ay tatangapin mo at pasalamatan ang alay sa iyo. At kung may dadatal na ibang panauhin, lalot kakilala'y anyayahang tambing. Huwag kang sumubo at siya,y iyong hinting makapasok muna at kayo,y lisanin. Kung kayo'y magtipon upanding mag-aliw, ikaw ay magsaya, n~gunit magmahinhin.
Salita Ng Araw