United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pakikipagtalo ay iyong ilagan; n~guni at sakaling mahirap iwasan, ay salaysayin mo ang iyong katwiran n~g sabing malambot at katotohanan. Kung paupuin ka ay iyong piliin ang huling upuan: n~gunit kung sakaling ang lusok na dako sa iyo'y ihain, ay huag kang magtuloy kung di ka pilitin.
Kung sa m~ga pintô ikaw ay papasok, hakban~gan ó landas na sadyang makipot, kung may kasama kang dapat na ilusok, paunahin siya't ikaw ay sumunod. Sa m~ga karuage at m~ga, kalesa kung kayo'y nasakay ay huag kang mauna; sa piling na kanan paupuin siya, sa dakong kaliwa doon lumagay ka.
N~guni at kung kiles ang inyong sasakyan lalut apat kayo'y huli ka rin naman; sila'y paupuin sa dakong unahan, sa tabi n~g pinto doon ka lumagay. Paghintu na ninyo at kayo'y bâbabâ, ikaw ay maunang umibis na kus
Salita Ng Araw