United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa pinto n~g puso'y nanawag na lagi Ang tinig n~g dusang nakaaaglahi, Parang nananadyang sa aki'y bumati Ang labi n~g hirap, tinik, dalamhati. Nais kong umibig. N~guni't natatakot Na ako'y umibig at saka lumuhog, Pagka't nan~gan~gambang sa aki'y matapos Ang lahat n~g aliw nitong Sangsinukob.
Sandaling tumigil at tumawatawa, «¡Aba si Tuning ko, kay ganda mo pala!...» sa harap n~g kurus ay muling lumuhog at humalik siya «¡Tanggapin mo irog at lambing n~g sinta!...» Anaki'y napasong biglang itinulak n~g kurus na yaon noong kulang palad «¡Abá si Tuning ko!... at nagtatampo na, sa aking pagliyag ... ¡ha!... ¡ha!... ¡ha!... ¡ay kahabaghabag!...