United States or Laos ? Vote for the TOP Country of the Week !
Huni n~g kuliglíg, tinig mán n~g ibon ay kapanglawan dín, dinadalit noón; m~ga makata mán, siyáng tinutula n~g sandalíng yaón ang sun~git n~g pangláw, lagáy n~g panahón. Anó pa't ang lahát ay yapús n~g lumbáy hihip mán n~g han~gin, mandi'y palaypalay; habagat má'y salát at pawáng dalita, ang balitang tagláy na kung pakikinggán ay taghóy na ¡ay!... ¡ay!...
May puso n~ga siyang nasasabi'y di niya maalaman kung tumitibok pa nang sandaling iyon ... Ang m~ga mata niya'y naroroo't nakadilat n~ga, subali't hindi niya maturol kung may nakikita pa ... Nakikinig siya sa pook na yaon, n~guni't sa kanyang m~ga tayn~ga'y isang kawang kuliglig mandin ang nagpapanabay na tumutulig at nagpapalito sa kanyang isipan....