United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga babaing parang mármol na may pusòng matigás at malamíg na parang hielo , ay dî karapatdapat makabalino sa ating pag-iisip, lalònglalò pa sa kalagayang paris n~g înyó. Walâ kayóng pagtin~gín sa akin, katoto, kundî pakikinggán ang ipagbibilin ko aní Pusò na parang walâ nang pananalig.
Huni n~g kuliglíg, tinig mán n~g ibon ay kapanglawan dín, dinadalit noón; m~ga makata mán, siyáng tinutula n~g sandalíng yaón ang sun~git n~g pangláw, lagáy n~g panahón. Anó pa't ang lahát ay yapús n~g lumbáy hihip mán n~g han~gin, mandi'y palaypalay; habagat má'y salát at pawáng dalita, ang balitang tagláy na kung pakikinggán ay taghóy na ¡ay!... ¡ay!...
Cung pakikinggan n~g Dios ang aking m~ga pagsamò at magaganap ang aking m~ga pag-asa, sasabihin co cay Andoy: "Anác, pawiin mo sa amin ang lahát n~g casalanan at ipadalá mo camí sa lan~git". Hindî na tayo man~gan~gailan~gang magdasál, mag ayuno ó bumilí pa n~g m~ga bula. Maaarì n~g gumawâ n~g m~ga casalanan ang may isáng anác na santo papa!
Salita Ng Araw