United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung sakaling malaki ang bigay-kayang ipinagkaloob n~g lalaki ay pinagkakalooban naman n~g biyanang kaniya ang anak n~g tinatawag na pasunod , na dili iba't isang kuintas na ginto ó dalawa kayang alipin; at ani Colin ay isinasauli ang boong bigay-kayang ipinagkaloob kung maging masunurin ang manugang, at kung hindi ay binabahagi sa m~ga dapat magmana; datapuwa't ani Delgado, ay patanaw-tao lamang na ipinamamalas sa m~ga nagsidalo, dahil sa ang m~ga yao'y hiram na isinasauli pagkatapos.
Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa inyo'y itinuturó, ang pinapatuñguhan ñg lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng misa, novena, kuintas, kalmen, larawan, milagro, kandilá, corea at iba't iba pang iginigiit, inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni Cristo, at tingnan kung hindí ang inyong pagkakristiano ay paris ng inaalagang gatasang hayop, ó paris ng pinatatabang baboy kayá, na dí pinatatabá alang alang sa pagmamahal sa kaniya, kundí maipagbili ng lalong mahal at ng lalong masalapian.