United States or Belize ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung sakaling malaki ang bigay-kayang ipinagkaloob n~g lalaki ay pinagkakalooban naman n~g biyanang kaniya ang anak n~g tinatawag na pasunod , na dili iba't isang kuintas na ginto ó dalawa kayang alipin; at ani Colin ay isinasauli ang boong bigay-kayang ipinagkaloob kung maging masunurin ang manugang, at kung hindi ay binabahagi sa m~ga dapat magmana; datapuwa't ani Delgado, ay patanaw-tao lamang na ipinamamalas sa m~ga nagsidalo, dahil sa ang m~ga yao'y hiram na isinasauli pagkatapos.
Kung sa pagmamanahang ito ay may isang aliping nauukol sa lahat n~g magmamana ay binabahagi ang panahon n~g paglilingkod nito sa bawa't isa sa kanyang papan~ginoonin ayon sa pagkakasunduan nila.
Kung ang sino man ay nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan n~g anák ay nagmamana ang isa't isa sa m~ga anák n~g ayon sa mana't bigay, kaya na ukol sa kanikanyang ina, at ang pag-aari n~g amá ay binabahagi sa lahat na walang palamang sa kanino man. M~ga anák sa tunay na asawa at m~ga anák sa alipin.
Salita Ng Araw