United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinanaligan kong ang kilusan namin ay nararapat kong katigan at ipagtanggol, kaya naririto ako't hangga n~gayon ay nananalig pa rin, kung hindi man sa tagumpay ay sa kadakilaan n~g layon at simulaing ipinakikipaglaban. Oó na n~ga ang putol pa ni Gervasio sa nagsasalita datapwa't ang lahat nang iyan ay kailan~gang in~gatan kung nakikitang may tagumpay na inaasahan sa huli ...
Ang m~ga ito n~ga ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang kanila, ang kilusan n~g m~ga kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiibá sa gawain n~g m~ga yuon. Ang kawikaang: Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong katawan sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na n~ga sa paniniwala nilang iba sila.