United States or Grenada ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa mukha n~g bawa't isá, ang kagitin~gan ay nababakas; at nababadha sa pawisan nilang noo ang búhay, ang sigla at ang lakás. Ang masiglang kilusang yaon n~g m~ga manggawang tabakero, ay labis na mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala n~g pagsikat n~g mabiyayang araw n~g Katúbusan.

Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim. At hindi lamang yaon.

Ang m~ga ito n~ga ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang kanila, ang kilusan n~g m~ga kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiibá sa gawain n~g m~ga yuon. Ang kawikaang: Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong katawan sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na n~ga sa paniniwala nilang iba sila.

Ang m~ga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa kinahapunan n~g pagkatanggap nila n~g babala; kaya't nang umagang yaon n~g ika 29 n~g Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang m~ga dukhang anák-pawis, ang m~ga manggagawang tabakero na nagkakatipon sa iba't ibang súlok at hayág na pook n~g m~ga daang Ilaya at Azcarraga, ay sabik na sabik at iníp na iníp na halos sa paghihintay sa kahahangganan n~g paguusap, na nang m~ga sandaling yaon ay idinadaos n~g nahalal na Lupon n~g m~ga manggagawa at n~g m~ga mamumuhunan.

M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol sa Pilipinas. =Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari. Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan n~g sino mang manggagawang tabakero.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap