United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Makaraan ang m~ga ilang mabayanad na yatiit n~g sahig ay nabuksan ang tabing n~g pinto at sa susun~gaw ang ating binibini; maputi at wari'y isang tala na pan~ginoon n~g ibang m~ga bituin sa kaningnin~gan kaya't walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at pagkapanaog sa isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na n~g ating binata at nagyakap ang mag sing irog ¡kay sarap na pagmamahalan! at pagkatapos maigawad n~g isá at isa ang nararapat ay nan~gagsiupo sa isang bancong kawayan na nasa ilalim n~g isang malabay na puno n~g acacia .
¡Ay Giday! ang pabuntong hinin~ga ni Kadiliman, n~gayon lamang nagsipanaw dito ang m~ga demonyo at m~ga kaluluwa n~g m~ga ibinabaon na nag bayad sa akin bago ilibing, at ang kalulua nang bienan kong frayle na inubos ko na ang kanyang kayamanan, tanto mo na ang aking ugali daig ko pa ang kurang tunay, dahil sa akin nagbabayad ang bawa't ilibing.
Bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang pagsamba sa m~ga bagay n~g katalagahan at sa m~ga kalulua, at ang m~ga matanda at ang m~ga namatay sa kanila ay lubhang ipinakagagalang. Ang lahing ito ayon sa kapaniwalaan ay nan~ganahan ditong malaong panahon hangang sa dinatnan n~g lahing malayo .