United States or Isle of Man ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa ibang kataga ay "galí" rin ang aliw at kaligayahan. Maaari na nating ituring, na patay na ngayon ang katagang iyan. Kahinahinayang!... NIYAONG. Hindi "niyang", gaya sa iba. Isa rin iyang "malabalagtas" na sukat, na labis man sa pagkakasulat ay di naman sa pamimigkas. NIYARING. Sa "Kun sino ..." ay "yaring". Sadyang pinutlan marahil, dahil sa labis na sukat dahil sa ortograpia!
At dahil diyan ay walang salang nagdumaling paroon, upang makuha sa paano man ang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalog na pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kahi't na nga sira-sira, ay dapat ipagpasalamat, sapagka't parang napalagay sa "kabang may pitong susi"; nguni't kung hindi, at kung natuluyan na ngang nasira, ay tunay na kahinahinayang. Kahinahinayang! Tunay na kahinahinayang!...