United States or Philippines ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa ibang kataga ay "galí" rin ang aliw at kaligayahan. Maaari na nating ituring, na patay na ngayon ang katagang iyan. Kahinahinayang!... NIYAONG. Hindi "niyang", gaya sa iba. Isa rin iyang "malabalagtas" na sukat, na labis man sa pagkakasulat ay di naman sa pamimigkas. NIYARING. Sa "Kun sino ..." ay "yaring". Sadyang pinutlan marahil, dahil sa labis na sukat dahil sa ortograpia!
Ang mga "anaqui" ni Balagtas ay di ginagamitan ng ligazon . "Minulan ang galí sa pagsasayauan". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay nakalagay ang "galit" sa lugal ng "galí", na tunay na malingmali. Bakit magiging "galit" ang pagkakatuwa, na sinimulan sa sayawan? Ang "galí" ay ang ingay na bunga ng kagalakan, ang pulot at gata ng pagkakatuwa at paglilibang ng marami.