United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang mga táong ito'y siyang kasunódsunód nina Gerardo mulâ ng iwan nila ang tindahan ni Julio; ibig sana nilang mapanoód ang paglilítis, dapwa't nabuktót na lahat sa pagiintáy sa presidente, kaya't ngayo'y nangaguuwian na. Salámat sa ingay nila at nabugábog ang masipag na pinunò ng bayan; sa wakás ay natulúyan ding mámulat ang mga namumugtông matá na animo'y nagsasábing "¡Kami ay busóg na busóg!"
At dahil diyan ay walang salang nagdumaling paroon, upang makuha sa paano man ang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalog na pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kahi't na nga sira-sira, ay dapat ipagpasalamat, sapagka't parang napalagay sa "kabang may pitong susi"; nguni't kung hindi, at kung natuluyan na ngang nasira, ay tunay na kahinahinayang. Kahinahinayang! Tunay na kahinahinayang!...
Magsábi, iyáng mga nakátikim ng buhay-kantinéra sa áting mga bayánbayán. Ilán na sa kanilá, ang úpang mapawili lang sa tindahan ang isáng amerikánong manglalásing, ay tutulútan nang sila'y kutyâ-kutyâin nitó sa likód ng mga salitang "Sweetheart, give me a kiss!"? Ilán na sa kanilá ang natulúyan na ngang mahagkán ng mga langó?
Salita Ng Araw