United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Ito po ba, mama, ang ilog na sinasabing pinamangkaan daw yata ni Balagtas at n~g kanyang Selia? ang narinig na naman ni Elsa na itinatanong ni Tirso na nakapalin~gon sa matanda. Hindi po, ang naging sagot, tila po ang nababanggit sa "Florante at Laura" ay ang m~ga ilog n~g Kahilom at Beata. ¿Malayo po ba tayo n~gayon sa m~ga ilog na iyon? ang usisa pa ni Tirso.
Sa Beata po ay malapit na, n~guni't ang Kahilom ay may kalayuan pa. At ang mestisa na naman ang kinausap na pabulong n~g makata. Elsa, anya, ¿nalalaman mo ba kung bakit pinakikibalitaan ko ang m~ga ilog na nilakbay n~g Hari n~g m~ga, Makatang Tagalog? ¿Bakit n~ga?
Salita Ng Araw