United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !


«Isinasalo~g ko a~g sandata, sapagká't a~g aki~g m~ga kaanak at m~ga kaibiga~g sumasama sa akin ay na~gagkákasakít sa tinitiís na kagutuman. A~g akí~g pitó~g anák at a~g aki~g giliw na asawa ay lagí~g nasa pili~g ko at tiniis nilá a~g lahát n~g kahirapan». Niyaó~g iká 16 n~g Abril n~g taó~g 1902, ay natapos a~g m~ga panayám ni Henerál Malvar, at siyá ipinadalá sa labas n~g Pilipinas.

Tinamâan n~g kanyang malas ang puno n~g halamang hitik na hitik n~g mapupulang anaki'y hinog na bun~ga, at sa paniwalang makapagdudulot sa kanyang kagutuman n~g malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at linasa ang pinakalamán; subali't tan~gi sa isang matigas at mapakláng nakapaglalaway, ay walâ siyang nalasap; bagama'y binayaan na sa kanyang bibig yamang lubhang nanunuyo ang kanyang lalamunan at iyao'y nakapananariw

Sa malaking kagutuman n~g abang nápaligáw na yaon n~g landasin, ay lumabnot n~g ilang dahon n~g ikmo na nagsusumawang lumingkis sa puno n~g bunga , n~ginatâ rin at ninamnam ang mahan~glay na dahon n~g ikmo , n~guni't hindi tangapin n~g kanyang sikmara at ang laway niya ay lubhang kumakatay; subali't ang hindi kinukusang pagkakahalo n~g ikmo sa bunga , ay nagkatalo at ang pakla at ang han~glay ay nakaayaw at nalasap niya ang isang panglibang na n~gataing nakapagpapasariwa n~g lalamunan. Sa di kawasa ay dumating siya sa isang bahay at sa masidhing han~gad na makakain kahit na anó, ay tinikman ang isang bagay na maputing nasa isang munting pasu-pasuan sa ibabaw n~g bintan