United States or Austria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa malaking kagutuman n~g abang nápaligáw na yaon n~g landasin, ay lumabnot n~g ilang dahon n~g ikmo na nagsusumawang lumingkis sa puno n~g bunga , n~ginatâ rin at ninamnam ang mahan~glay na dahon n~g ikmo , n~guni't hindi tangapin n~g kanyang sikmara at ang laway niya ay lubhang kumakatay; subali't ang hindi kinukusang pagkakahalo n~g ikmo sa bunga , ay nagkatalo at ang pakla at ang han~glay ay nakaayaw at nalasap niya ang isang panglibang na n~gataing nakapagpapasariwa n~g lalamunan. Sa di kawasa ay dumating siya sa isang bahay at sa masidhing han~gad na makakain kahit na anó, ay tinikman ang isang bagay na maputing nasa isang munting pasu-pasuan sa ibabaw n~g bintan
Pawiin sa puso ang m~ga nangyari At iyong alaming may ban~go ka't puri, Samantalang gayon, ako'y nagsisisi At binabawi ko ang m~ga sinabi. N~guni't isang tanong: ¿Kaya ang patawad Sa namaling puso ay iyong igawad? Ang m~ga luha ko'y siyang ihuhugas Sa napaligaw ko't nagsisising palad. = Ang hamak na palad ...=