United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sinaksihan n~g m~ga namamalikmatang balintataw ni Tirso ang banaybanay na pagan~gat at pagdipa n~g dalawang bisig ni Elsa, na, nang m~ga unang sandali'y nagmistulang lawin na dadagit n~g sisiw, datapwa't kaginsaginsa ay nagsalan~gaylan~gayang mandi'y lumalan~goy sa gitna n~g alapaap. Nagiisa ka yata ... pautal halos na namitiw sa m~ga labi n~g lalaki, pagkalipas n~g saglit na walang imikan.
Kaginsaginsa nama'y sa sisipot sa harap nina Tirso ang magasawang nagpiging sa Pandakan, at han~gos, pagulat at nagdudumaling ginagap n~g babae ang m~ga kamay ni Elsa't ni Dioni, saka ang m~ga ito'y niyayang sumama sa kanila na humanap n~g mabuting pook upang kahi't paano'y masilip man lamang ang mukha n~g reynang sanhi at dahil n~g maraming bulun~gan.