United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bakit sa panahong ito'y nararapat na ang kahit sino'y magtaglay n~g in~gat sa gugol na pagod, at may munting linsád páasahan mo nang may kataling pintas. Kaya sa tulâ kong m~ga itititik ang paunang samo, pantas na lilirip, huag paghanapan n~g malasang tamis ang bubót na bun~ga n~g unsiaming isip.
Narito Marcela't sa kamay ko'y abót ang pagsusulatan n~g aking panagót, na ang sasabihin ay walin sa loob yaong pinupulong awa sa pag-irog. Dalmacia kung gayo'y tangní ang pangguhit at u-ulatan ka n~g lampa kong isip na ang balang malí huag itititik hanapin ang hindí damdamin n~g dibdib. Ang panagót ni Dalmacia kay Constancio.
Sakaling sa aki'y ayaw kang manalig ang lahat n~g sumbat sa aki'y ikapit, ang m~ga sumbat mo nama'y itititik sa dahon n~g aking lagás na pagibig. Ikaw'y maniniwalang ang aking pagasa sa iyo, kaylan ma'y hindi magbabawa, sa iyo sisikat ang isang umaga na dala ang aking magiging ligaya.